53

Sep 21, 2019 @ 15:01
By

23 pinalayang preso sumuko sa Bicol

Umaabot sa 23 pinalayang heinous crime convicts na nabigyan ng good conduct time allowance (GCTA) ang kusang isinuko ang sarili sa iba’t ibang mga istasyon ng pulis sa rehiyon ng Bicol bago matapos ang 15-araw na taning ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Major Malu Calubaquib, tagapagsalita ng Police Regional Office 5, nasa anim ang sumuko sa Sorsogon police station, apat sa Albay, lima sa Masbate, apat sa Camarines Norte, dalawa sa Camarines Sur at dalawa sa Catanduanes police station.

Nabatid na ang mga sumukong preso ay nakulong sa kasong rape, parricide, homicide, robbery, o murder.

Kasalukuyang nasa mga istasyon ng pulis ang 23 habang inihahanda ang turnover pabalik sa Bureau of Corrections.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?