62

By

23 estudyante nilason ng titser

Dinakip ang isang kindergarten teacher sa central China dahil sa paglason umano sa kanyang mga estudyante.

Ayon sa report, itinakbo ang may 23 na estudyante ng kindergarten sa ospital matapos makaramdam ng pagsusuka at pagkahilo nang mag-almusal ng porridge.

Sa isinagawang imbestigasyon lumabas na nilagyan ang pagkain ng mataas na antas ng sodium nitrite.

Pinaniniwalaang nilagyan ng titser na kinilala lang sa apelyidong Wang ang pagkain ng mga bata ng sodium nitrite.

Hindi naman malinaw ang motibo ng krimen pero ilang police sources ang nagsabi na gustong gumanti ng guro sa kasamahan niya sa trabaho.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?