80

By

23 dayuhan na ginawang prostitute nasagip sa Pampanga

Nailigtas ang may 20 banyagang babae na ibinubugaw sa San Fernando, Pampanga.

Ayon sa mga biktima sa ABS-CBN report, sinabi sa kanilang bakasyon ang gagawin nila sa Pilipinas iyon pala ay ibebenta sila sa mga kustomer.

Nagkasa ng operasyon ang Anti-Trafficking Task Group ng Police Regional Office 3 matapos nilang magsagawa ng surveillance.

Unang isinagawa ang raid sa isang bahay sa San Fernando noong Disyembre 3 kung saan nasagip ang walong Chinese at anim na Vietnamese na babae.

Naaresto naman ang dalawang Chinese na bugaw umano.

Samantala, sa katabing bahay nito na-rescue ang siyam na babaeng Chinese sa ikinasang follow-up operation noong Disyembre 6.

Tumambad sa mga pulis ang kahon-kahong condom, mga passport, ID at P10,000 halaga na umano’y transaction money.

Gumagamit umano ng WeChat ang mga suspek para makipagtransaksyon sa dayuhan ding mga kostumer.

Iniimbestigahan na ang may-ari ng bahay na inupahan ng mga dayuhan habang nakasuhan na ng paglabag sa Anti-Trafficking in Persons Act ang mga naarestong bugaw.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?