34
23 bagong hukom, itinalaga sa mga municipal trial court sa Central Luzon
By

23 bagong hukom, itinalaga sa mga municipal trial court sa Central Luzon

Natanggap na ng Korte suprema ang listahan ng mga bagong hukom na itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga municipal trial court (MTC) sa Central Luzon.

Sa inilabas na appointment papers mula sa Malacanang, tatlong bagong MTC judges ang naitalaga sa Bataan, lima sa Bulacan, pito sa Nueva Ecija, pito sa Pampanga at isa sa Zambales.

Higit sampu sa mga bagong talagang MTC judges sa Central Luzon ay mga babae.

Umabot din ng halos isang taon bago nakapili si Pangulong Duterte mula sa shortlist na isinumite ng Judicial and Bar Council (JBC) noong May 15, 2018.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?