60

Feb 20, 2020 @ 21:48
By

220 magkasintahan sa Bacolod, naka-face mask na kinasal

Kabuuang 220 magsing-irog ang kinasal sa ginanap na mass wedding sa Bacolod City nitong Huwebes, Pebrero 20.

Bilang bahagi ng safety measure laban sa pagkalat ng coronavirus, pinagsuot ng mga face mask ang mga nagpakasal habang nasa mass wedding ceremony na ginanap sa Bacolod City Government Center.

Matatandaang nagpasa ng resolusyon si Councilor Cindy Rojas para atasan ang mga shopping mall, restaurant at iba pang establisyimento sa lungsod na maglagay ng mga hand sanitizer, alcohol at sabon sa kanilang bisinidad.

Walong persons under investigation ang na-quarantine sa iba’t ibang ospital sa Bacolod.

Kalaunan ay nakalabas din ang mga ito ng ospital matapos magnegatibo ang resulta ng test na isinagawa sa kanila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?