57
cctv-cam
Jan 2, 2018 @ 16:04
By

220 CCTV cameras ikakabit para sa piyesta ng Black Nazarene

Ipakakalat ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office o MDRRMO ang kabuuang 220 CCTV Cameras sa mga lugar na dadaanan ng prusisyon ng mahal na Itim na Nazareno.

Sinabi ni Johny Yu, Hepe ng MDRRMO na ang mga CCTV ang magsisilbing mata sa kapistahan ng Black Nazarene.

Bukod sa mga CCTV ay mayroon ding mahigit limang libong tauhan nila, kabilang na ang Medical Rescue Team ang aalalay sa daraanan ng Prusisyon.

Milyong deboto ang inaasahan ng NDRRMO na dadagsa sa araw ng pista kaya’t may 26 na inilagay na ring silang Medical stations at apat na Command posts mula Quiapo, Luneta, Manila City Hall hanggang sa Headquarters ng MPD para kaagad na makaresponde at makapaghatid ng serbisyo-medical. (Rick Villanueva)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?