10

By

22 points hinabol ni Irving, Celtics pinabagsak ang Suns

Sharing is caring!

Bumangon ang Boston Celtics sa 22-point na pagkasadlak kontra sa Phoenix Suns, 116-109, sa tulong ng pagbibida ni Kyrie Irving, Biyernes ng gabi sa balwarte ng Suns.

18 puntos ang iniskor ng dating Cavaliers star na si Irving, na gumawa ng 18 puntos sa final quarter para makalusot ng overtime period ang Boston.

Sa overtime, nag-init agad si Irving, na umiskor ng maagang six points, habang malaki rin ang naiambag ni Marcus Morris na may 17 puntos, kasama ang triple buzzer beater para itabla ang laban, 1.1 second ang nalalabi sa 4th at naging mitsa ng pagkatalo ng Suns.

Nasayang naman ang season-high 38 puntos ni Devin Booker at ang 29 puntos ni TJ Warren, na pinakawalan ng kanilang koponan na Suns ang 15-point lead sa pagsisimula ng huling canto.

Akyat ang kartada ng Boston sa 7-4 habang bagsak naman ang Phoenix sa 2-9 record.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?