13

Oct 17, 2021 @ 11:24
By

22 katao utas dahil kay ‘Maring’ – NDRRMC

Umakyat na sa 22 ang kabuuang bilang ng mga nasawi dahil sa pananalasa ni bagyong ‘Maring’ sa bansa.

Ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Sabado, 17 pa ang naitalang nagtamo ng pinsala sa katawan at 16 naman ang kasalukuyang pinaghahanap pa.

Anang ahensya, 611,705 ang kabuuang bilang ng mga naapektuhan ni ‘Maring.’

Dagdag pa nila, dahil sa hagupit ng bagyo, 137 lungsod ang nakaranas ng power interruption at 8 munisipalidad naman ang nakaranas ng aberya sa water supply. (VA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,