22

Sep 15, 2021 @ 14:55
By

22 dayuhan dinukot sa hotel

Nasa 22 dayuhang migrante ang dinukot ng mga armadong lalaki sa isang hotel sa Mexico.

Ayon sa BBC report, nilusob ng mga armadong lalaki ang Sol y Luna hotel sa siyudad ng Matehuala noong Martes.

Kabilang sa mga biktima ay mga bata at buntis, at mula sa Haiti at Cuba.

Dinukot din ng mga suspek ang 16 Mehikano nang ransakin ang hotel.

Agad naman umanong pinakawalan ang mga Mexican ngunit kinailangang i-rescue ang iba pang dayuhan sa isang liblib na lugar sa pagitan ng Matehuala at regional capital na Arturo Garza Herrera.

Hindi na nagbigay ng iba pang detalye tungkol sa pagsagip sa mga dayuhan at kung may nasaktan sa mga ito. Nakatakda silang dalhin sa siyudad ng San Luis Potosi.

Marami umano sa mga migrante ang nahaharap sa panganib ng pagdukot, pangingikil, panghahalay at pagpatay sa kagustuhang makarating sa Amerika.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?