26

Oct 11, 2017 @ 17:35

22 bangkay ng terorista narekober sa war zone

Dalawangput dalawang bangkay ang narekober ng militar sa main battle area sa lungsod ng Marawi, ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) spokesperson Major General Restituto Padilla.

Ang mga bangkay ay pawang mga terorista at nakita dalawang gusali na nauna nang naging focus ng military airstrikes.

“Dahil na clear na natin ang dalawa pang gusali nakarekober tayo ng 22 mga cadavers, 18 ay nakuha sa isang building 4 sa isang building” sinabi ni Major Gen Padila.

Maliban sa mga bangkay nakarekober rin ang militar ng walong matataas na kalibre ng armas kabilang na ang dalawang rocket propelled grenade at dose dosenang improvised explosive device.

Sa ngayon, sinusuri na ng mga tauhan ng PNP SOCO ang mga labi upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga bangkay.

Dahil sa 22 bangkay na narekober sa main battle area, umabot na sa 802 ang napapatay sa panig ng mga kalabang terorista habang umakyat na sa 160 sundalo at pulis ang nagbuwis ng kanilang buhay. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?