13

Sep 14, 2021 @ 10:19
By

212 parak nakaligtas sa COVID

Umakyat pa sa 34,601 ang kabuuang bilang ng mga kawani ng Philippine National Police (PNP) na nakarekober mula sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) matapos maitala ang 212 bagong gumaling kahapon.

Samantala, namaga sa 37,356 ang kabuuang bilang ng nagpositibo sa virus sa bansa matapos maitala ang 173 bagong COVID case sa ahensya.

Nanigas naman sa 107 ang kanilang death toll rate.

Dahil dito, kasalukuyang may 2,646 aktibong kaso na ng COVID ang PNP.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?