142
tinio
Jan 10, 2018 @ 11:31
By

Mga guro, ‘wag gamiting propaganda sa dagdag buwis – Tinio

Welcome kay ACT Teachers partylist Rep. Antonio Tinio ang intensiyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na taasan ang sahod ng public school teachers.

Ayon kay Tinio, mahalaga ang pahayag na ito ng pangulo dahil taliwas ito sa sinabi ni Budget Secretary Benjamin Diokno na “too ambitious” ang nais na karagdagang suweldo ng mga guro.

Kabaligtaran din anga ng naisin ng pangulo ang sinabi ni Education Secreatry Leonor Briones na sapat na ang sahod ng public school teachers at ang kailangan lamang ay magkaroon ang mga ito ng “financial literacy.”

Iginiit ni Tinio na gaya ng mga sundalo’t pulis ay nararapat din ang mga guro sa mataas na sahod gayundin ang lahat ng empleyado ng gobyerno.

“Our teachers deserve nothing less.  We eagerly await the formal proposal from the DBM,” sabi ni Tinio.

Pero, mariing kinontra ng kongresista ang pahayag ng Malakanyang na nakadepende sa pagpasa ng second tax reform proposal ang pagtaas sa sahod ng mga guro.

Binigyang diin nito na panibagong propaganda na naman ito lalo’t palaging sinasabi ng Deparment of Finance (DOF) na ang tax reform ay para pondohan ang mga infrastructure project ng pamahalaan.

“This is a blatant PR tactic intended to make the new tax package, the centerpiece of which is the lowering of corporate income tax, more palatable to the public.  Don’t use teachers to deodorize your pro-rich taxes!,” giit ng kongresista.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?