77
Abante-TnT--Iregularidad-sa-SSS,-hihimayin-sa-Kamara
Jan 15, 2018 @ 18:09
By

21 SSS execs, kinasuhan sa P145M illegal media contracts

Kinasuhan kahapon sa Office of the Ombudsman ang 21 opisyal ng Social Security System (SSS) dahil sa paglabag sa procurement law sa iligal na pag-award ng P145 milyong media contracts nitong nakalipas na taon.

Ang kinasuhan ay sina Executive Vice President Rizaldy Capulong, Investment Sector; SVP May Catherine C. Ciriaco, ng Administrative Group, Concurrent OIC ng HR Management Group and Public Affairs at SVP Josefina O. Fomilos, Central Processing Group.

Kabilang din sa sinampahan ng kaso sina Eleonor Y. Cinco, Jean V. Lagrada, Helen L. Abolencia, Johnsy L. Mangundayao, Guillermo M. Urbano, Jr., Antonette L. Fernandez, Department Manager lll Renato Jacinto Cuisia, Geronimo T. Valesa, Joselito A. Vivit, Ma. Luisa P. Sebastian, Sonia P. Guinto, Normita M. Doctor, Belinda B. Ella, Haydee P. Raquici, Department Manager Boobie Angela A. Ocay, Jocelyn M. Evangelista, CEO lll Froilan M. Misa, at Nancy E. Santos.

Nagharap ng reklamo laban sa mga opisyal ay ang nakatuklas sa umano’y anomalya na si SSS Commissioner Pompee La Viña, chairman ng Media and Communication Committee at Investment Oversight Committee ng SSS.

Sa isang press conference sa Quezon City, sinabi ni La Viña na ang 21 opisyal ay lumabag sa kasong multiple violations ng procurement law dahil sa pag-award sa 253 media contracts na nagkakahalaga sa P145,538,659.76.

Ayon pa sa reklamo, ang top managers ng Public Affairs and Special Events Division na kinabibilangan nina Ciriaco, Sebastian at Guinto ang umano’y nakikipagnegosasyon at nagrerekomenda ng media services para sa media contracts ng iba’t ibang television, radio at print companies nang wala umanong sinusunod na procurement process na isinasaad sa batas.

Hiniling din ni La Viña na magbitiw na lamang sa puwesto ang mga opisyal upang maisalba ang integridad ng SSS.

Nilinaw naman ni La Viña na bagama’t hindi niya inaakusahan na ‘corrupt’ ang mga opisyal, subalit may batas at proseso na sinusunod sa pamahalaan at kapag hindi sumunod sa batas, malinaw na binigyan ng mga ito ng pabor ang kanilang ka-deal at posibleng nakinabang din umano ang mga nabanggit sa naturang proseso. (Dolly B. Cabreza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?