crime-scene-dead-soco

21 patay sa ‘election-related’ incidents – PNP

Sharing is caring!

Nakapagtala ang Philippine National Police (PNP) ng 16 na insidente na may kinalaman para sa nalalapit ng barangay at Sangguniang Kabataan election sa Mayo 14.

Ayon kay PNP spokesperson Chief Supt. John Bulalacao, sa nasabing bilang ng insidente, 21 katao na ang namatay.

“Since April 14 up to the present, mayroon na tayong naitalang 16 suspected election-related incidents,” pahayag ni Bulalacao sa Radyo Inquirer.

Lima din umano ang naitalang nasugatan sa insidente.

Huling naitala ang pagkamatay ng isang barangay official sa Manaoag, Pangasinan kung saan binaril ito sa ulo ng hindi pa nakikilalang salarin noong Sabado ng gabi.

Bukod sa mga nasawi, narekober din ng PNP ang 35 armas sa isinagaw anilang checkpoints.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?