19

Nov 10, 2021 @ 17:06
By

21 katao nakaligtas sa pagkakalibing sa gumuhong gusali

Nakaligtas ang 21 katao matapos malibing ang mga ito nang gumuho ang isang 2-palapag na gusali sa eastern Turkey.

Ang insidente ay naganap Martes ng hapon sa isang kalye sa lungsod ng Malatya.

Sinabi ng gobyerno, na walang naiulat na mga nasawi habang ang operasyon sa paghahanap ay natapos noong Miyerkules.

Nauna rito, sinabi ng tagapagsalita ng interior ministry na si Ismail Catakli na nahila ng mga rescue worker ang 13 katao mula sa mga durog na bato, habang 8 iba pa ang nakatakas nang mag-isa.

Lima sa mga nailigtas ay sinugod pa rin ospital, ngunit hindi naman malubha ang lagay ng mga ito.

Sa kuha ng CCTV, ang gusali ay biglang gumuho at nagbagsakan ang malalaking tipak ng bato. Isang kotse na nakaparada sa harap ng gusali ang mabilis na umalis habang ang mga dumadaan ay nagmamadaling tumulong sa mga naipit.

Inaalam pa ang dahilan ng nasabing insidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: