15

Oct 4, 2021 @ 15:05
By

21 kaso ng Delta naitala

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 21 kaso ng Delta variant mula sa mga na-sequence nilang sample mula noong Abril hanggang Hunyo.

“These are retrospective samples because we wanted to complete our biosurveillance activities,” pahayag ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

“Ibig sabihin ‘yung mga samples from the past months. If you will notice, our samples were from April to June dahil hindi pa siya masyadong nakakalat noon dito sa atin during that time that the samples were taken,” dugtong pa niya.

Sa mga nasabing buwan, 749 samples ang na-sequence kung saan 21 ang Delta variant. 288 ang Alpha at 309 ang Beta.

Kaya naman tumuntong na sa 3,387 ang kabuuang bilang ng Delta variant cases sa bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?