30
arrested
By

21 drug suspects, kabilang ang 3 minor nalambat sa QC

Muli na namang nakadakip ang mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ng 21 tulak ng shabu, kabilang ang tatlong menor-de-edad sa magkakasunod na operasyon sa Quezon City.

Kinilala ni QCPD Director, Police Chief Superintendent Guillermo Lorenzo T Eleazar, ang mga nadakip sa buy-bust na si Guillermo Gamboa, 37, ng No. 17 Tabing Ilog St., Brgy. Apolonio Samson, bandang alas 11:00 ng umaga sa Tabing Ilog St., Brgy. Apolonio Samson. Nakumpiska sa kanya ang dalawang sachets ng shabu at buy-bust money.

Kabilang sa naaresto sina Rolando Marcos, 38, ng No. 16 Esmeralda St., Brgy. Tandang Sora at Benjo Ramos, 29, ng Macaya Compound., Brgy. Pasong Tamo. Sila ay nadakip bandang alas-7:00 ng gabi sa kanilang barung-barong sa Macaya Compound, Brgy. Pasong Tamo. Naaktuhan ang dalawa habang humihitit ng shabu.

Huli rin sa buy-bust sina Casiano Baluyo Jr., 19, at ang 17-anyos na binatilyo, kapwa residente ng Caloocan City, dakong alas- 5:00 ng hapon sa harap ng bakery sa Asuncion St., Brgy. 85, Caloocan City. Nakumpiska sa dalawa ang isang kilo ng pinatuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng Php30,000 at marked money.

Kasama sa mga nalambat sina John Mark Ortega, 26; Jover Casin, 40; Eric Alverni, 27; Jonathan Carasig, 31; Jersey Ching, 36; Dan Guatno, 38; Ana Maria Lama, 43; Arjay Peralta, 21; at dalawang kasamang binatilyo; Ann Francis Acosta, 47; Joven Moncilla, 18; Eroll James Jarapa, 27; Christian Acayen, 25; Romar Buctoan, 30; Roy Lorenzo, 29;

Ang mga nadakip ay nakatakdang kasuhan ng paglabag sa R.A. 9165, (The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) habang ang tatlong minors ay dadalhin sa QC Social Services Development Department (SSWD).

Pinuri naman ni Gen. Eleazar ang kanyang mga tauhan sa patuloy na pagsisikap ng mga ito upang maaresto ang mga pasaway na residente sa lungsod na sa kabila ng kampanya ng kapulisan kontra droga ay hindi pa rin tumitigil sa kanilang mga iligal na katibidades.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?