227
shabu-arrested
Jul 28, 2018 @ 18:27
By

21 drug suspects huli sa drug bust sa QC

Nalambat ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang 21 na tulak at gumagamit ng iligal na droga sa isinagawang anti-illegal drugs at anti-criminality operations sa lungsod.

Batay sa report ni QCPD Director, Police Chief Supt. Joselito Esquivel Jr., naaresto ng Talipapa Police Station (PS 3) ang mga drug user na sina Lino Fries, 30; Edison Javier, 38; Roderick Roco, 44; Joffrey Jimenez, 20, at Gil Morales, 46.

Nahuli naman ng Novaliches Police Station (PS 4) sina Ariel Piti-ilan, 45; Yasser Ahmad, 19, at Abner Altar, 26, ng Bagong Silang, Caloocan City.

Naaresto ang mga ito dakong alas-2:15 ng hapon ng Hulyo 27 habang nagsasagawa ng shabu session sa Room 211 ng Central Apartelle na matatagpuan sa Quirino Highway, Brgy. Nova Proper.

Samantala, nadakip ang mga tulak na sina Reymark De Jesus, 23, at Raymond Laud, 41, kung saan nakumpiska sa kanila ang apat na sachets ng shabu na nagkakahalaga ng P34,000; drug paraphernalia; 3 live ammunition ng kalibre .45; 5 live ammunition ng kalibre .22; cellphone na ginagamit sa transaksiyon at buy-bust money.

Huli rin sina Antonio Fernando, 52; Martin Fernando, 59; Randy Procianos, 40; Ray Rey Po, 26; Jerico Lacaba, 24; Emil Kiram, 27; Mark Anthony Alvares, 29; Mherza Paddam, 38; Laudencio Patayan, 42, at Ronald Duran, 32.

Nakatakdang kasuhan ang mga nadakip na suspek ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?