48

Oct 20, 2021 @ 11:49
By

21 anyos pinalipad tsikot sa Marcos Highway, sumalpok sa poste, tigok

Patay ang isang estudyante matapos salpukin ng kanyang humaharurot na auto ang isang poste ng LRT sa kahabaan ng Marcos Highway.

Ayon sa kapulisan ng Antipolo, isang 21 anyos na estudyante ang laman ng nadurog na kotse na tumama sa poste ng LRT nitong Sabado.

Batay sa imbestigasyon, ‘self accident’ umano ang nangyaring aksidente sa daan.

“Ang lumalabas po sa investigation parang self accident po ang nangyari according sa certain witness. Nagiisa lang daw po siya tapos sumalpok na po sa area. Mabilis daw po yung takbo,” ani Police Lieutenant Anthony Kahayon, commander of ng PCP.

Dagdag pa ng Antipolo PNP, marami kasing car enthusiasts ang madalas na magpakalat-kalat sa Marcos Highway.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?