10

Sep 17, 2020 @ 11:30
By

20M reusable face mask target magawa sa 2 buwan – DTI

Inaasahan ng Department of Trade and Industry (DTI) na makaprodyus ng 20 milyong reusable face mask sa loob ng dalawang buwan.

“As we speak po, nag-uumpisa nang magdeliver ‘yung initial product. Pero siguro within 2 months hopefully makumpleto namin itong 20 million,” wika ni DTI Secretary Ramon Lopez sa ABS-CBN’s TeleRadyo ngayong umaga, Setyembre 17.

Dadaan pa rin aniya ang proyekto sa bidding para hindi lang iisa ang supplier.

“Ang mangyayari, hahati-hatiin sa mga barangay. Consolidator na magdi-distribute sa mga community, barangay,” sabi ng kalihim.

Maaalalang inatasan ni Presidente Rodrigo Duterte ang DTI na umugnay sa mga micro, small and medium enterprise at mga community organization para magawa ang mga face mask na ipamamahagi nang libre sa pinakamahihirap na pamilya sa Pilipinas habang may coronavirus pandemic.

“Ang pinapagawa po ng Office of the President, ‘yung reusable para talagang mas madaming beses magamit at hindi ‘yung disposable na tinatapon kada isa o dalawang gamit. Kaya ang ipo-project natin, reusable, washable na face mask sa bawat Pilipino,” ayon pa kay Lopez.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?