18

Sep 15, 2021 @ 18:01
By

20K sako ng smuggled na bigas naharang

Naharang ng mga kawani ng Bureau of Customs (BOC) ang nasa 20,000 sako ng smuggled na bigas noong Linggo sa Bongao, Tawi-Tawi.

Ayon kay BOC district collector Segundo Sigmundfreud Barte Jr., tinimbrehan sila tungkol sa smuggled na bigas na lulan ng MV Eshan Khan.

Nang malapitan nila ang sasakyang-pandagat, dito nila nadiskubre ang libu-libong sako ng smuggled na bigas na may halagang P15 milyon.

“This is the first time this year that smugglers attempted to ship in smuggled rice,” pahayag ni Barte.

Ang bigas umano ay galing sa Sandakan, Malaysia.

Nasa kustodiya ngayong ng BOC ang 14 sakay ng naturang bangka.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?