20

Jul 21, 2021 @ 15:13
By

20K J&J bakuna dumating na sa CDO

Nakatanggap ng 20,550 doses ng single-shot Johnson and Johnson (J&J) vaccine ang Cagayan de Oro.

Ayon kay Deputy Speaker at Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez dumating ang mga bakuna noong Martes kung kailan pumunta sa lugar sina Health Secretary Francisco Duque III, Defense Secretary Delfin Lorenzana at Vaccine czar Secretary Carlito Galvez para tignan ang COVID-19 situation sa lugar.

“Their visit is timely since we have Delta variant cases in Cagayan de Oro. They can advise city officials and local health authorities on what to do to stop the spread of this variant and Covid-19,” sabi ni Rodriguez.

Sinabi ni Galvez na kailangang magbakuna ang siyudad ng 5,000 residente araw-araw para mabakunahan ang 70% ng 700,000 populasyon nito hanggang sa katapusan ng taon.

“With this pronouncement of Sec. Galvez, we expect more and more vaccines to be allocated to CDO. And we thank Sec Galvez for this,” sabi ni Rodriguez.

Sa kasalukuyan ay 66,000 residente ng siyudad ang nakatanggap na ng first dose at 32,000 ang nakakumpleto na ng dalawang dose.

Nasa CDO ang apat na kaso ng Delta variant ng COVID-19 na muling nagpositibo matapos na gumaling. Isa pang kaso ang nasa Misamis Oriental kung saang probinsya napapabilang ang CDO.

“Five of the eight reinfections are from our area. That shows the severity of the situation there, which has prompted the IATF to impose the strictest quarantine restriction in Cagayan de Oro,” punto pa ng solon.

Nauna ng hiniling ni Rodriguez kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na magbigay ng P6,000 ayuda bawat pamilya sa lungsod matapos itong isailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?