87

Apr 9, 2020 @ 18:19
By

209 hotel inilaan para sa quarantine ng mga uuwing OFW

Naglaan ang Department of Tourism ng may 209 hotel o kabuuang 11,549 na kuwarto para pansamantalang tuluyan ng parating na mga OFW sa bansa na sasailalim sa 14-day quarantine.

Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, nasa 160 ng hotel ay sa Metro Manila habang ang iba ay sa Regions 1, 2, 3, 4A, 7, 8, at 11.

Plano pa nilang magdagdag kung kinakailangan para sa mas marami pang uuwing OFW.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?