22

Oct 8, 2021 @ 10:50
By

207 lespu dinaig COVID, 145 bagong nasapol

Sumirit pa sa 38,892 kawani ng Philippine National Police (PNP) ang naitalang nakarekober mula sa COVID-19.

Ito ay matapos maitala ang 207 mga pulis na bagong gumaling nitong Huwebes.

Samantala, nadagdagan naman ng 145 ang bagong nagpositibo sa virus.

Ayon sa datos ng PNP Health Service, sumipa na sa 40,678 pulis ang tinamaan ng COVID.

Nanigas naman sa 121 ang death toll rate ng ahensya.

Kasalukuyang bumaba na sa 1,665 pulis na ang nagpapagaling mula sa COVID. (VA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,