13

Feb 4, 2021 @ 11:44
By

203 pawikan pinakawalan sa Cavite

Nanguna ang Philippine Coast Guard (PCG)-Cavite sa pagpapakawala ng mahigit 200 sea turtles o pawikan sa Naic, Cavite noong Miyerkoles.

Ang 203 pawikan ay pinalaya ng PCG, Naic government, Philippine Army, at barangay officials sa baybayin ng Barangay Labac, Pebrero 3.

Napaulat na nagmula ang mga pawikan sa isang hatchery na inalagaan ang mga itlog mula pa noong Disyembre 2020.

Naniniwala ang PCG na importante ang patuloy na pagtataguyod ng marine environmental protection sa kabila ng pandemyang COVID-19.

Sabi ng World Wildlife Fund (WWF), halos lahat ng uri ng pawikan ay kabilang na sa “endangered species” dahil sa poaching at overexploitation.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?