Kasado na ang WTA 250 tournament sa Maynila sa susunod na taon!
Inanunsyo ng WTA nitong Linggo, Oktubre 4, ang 2027 WTA Tour calendar na magdadala ng world’s best women’s tennis sa fans sa buong mundo.
“55 events across 26 countries and territories. Eight swings. One Race to the WTA Finals in Charlotte,” pahayag ng WTA.
Kabilang sa Asian Swing na nakatakda mula Setyembre 20 hanggang Nobyembre 7, 2027 ang Manila stop sa Nobyembre 1, 2027.
Ito ay bago ang WTA Finals sa Charlotte na gaganapin mula Nobyembre 10 hanggang 14, 2027.
Bukod sa Asian Swing at Finals, nakatakda rin ang Australian Swing, Middle East Swing, Sunshine Swing, Clay Court Swing, Grass Court Swing at Hard Court Swing mula Enero hanggang Setyembre 2027. (AC)


