Pinarangalan ng ‘Drag Race Philippines’ ang isa mga reyna nila na si Queen Misua, na pumanaw noong April 2026.
Sa episode na ipinalabas ngayong Oktubre ay inalala nga ang kontribusyon ni Queen Misua sa programa at sa komunidad.
Si Queen Misua ay pumanaw sa edad na 27, habang natutulog.
At sa episode kamakailan, ramdam na ramdam ang lungkot ni Paolo Ballesteros sa mensahe niya sa pagkawala ni Queen Misua.
Garalgal ang boses ni Paolo habang nagsasalita sa harap ng kamera.
At dahil sa episode na `yon, lumabas ang iba’t ibang kuwento tungkol kay Paolo.
May kung ano-ano kasing chismis noon tungkol kay Paolo, na ngayon nga ay napabulaanan lahat. Lumabas ang tunay na ugali, at kabutihan ng puso ni Paolo.
“Napakabuti ni Mama Pao. Pag may kailangan kami ng mga kasama niya, staff or queens, inaasikaso at inuuna niya kami. Pag may pagkain siya, lahat din kami nabibigyan niya. Kumbaga, isusubo niya na lang, ibibigay pa niya sa iba,” mensahe ni Kaladkaren o Jervi Wrightson.
“Si Mama Pao ang laging nauuna sa set. 5:00am pa lang nagsisimula na siyang mag-ayos. Sa studio na siya halos nakatira kapag ‘Drag Race’ filming season.
“And sorry Mama Pao, ichichika ko na, `yung sahod niya every finale, pinapa-raffle niya sa staff. Ganyan siya ka-generous,” dugtong na mensahe pa rin ni Kaladkaren.
Nasundan nga ang mensaheng `yon ng iba’t iba pang reaksiyon na patungkol nga sa ugali, pagkatao ni Paolo.
“May kumakalat na chismis dati na lagi raw late si Mama Pao sa set. Oh, ayan kay Ms. Kaladkaren na naggaling na si Mama Pao ang laging nauuna sa set.”
“Kaya pala blessed talaga si Mama Pao kasi napaka-generous niya.”
“Kaya deserving si Mama Pao maging host.”
“I will never hate Mama Pao, since season 1. She proved to us what drag should be and how it should be represented.”
“We love Mama Pao.”
“Very professional si Mama Pao at mabait pa.”
“Kaya deserve talaga niya ang marami pang season.”
“Never not loving Mama Pao.”
Well, matagal na rin naming kilala si Paolo, at tama ang lahat ng chika nila, bukod sa mabait, parang walang masamang tinapay sa kanya, na lahat ay pinakikisamahan niya. (Dondon Sermino)


