WebClick Tracer

Solar-powered irrigation system pinapalakas ng Marcos administration

Pinapalakas ng Marcos administration ang pagtatayo ng solar-powered irrigation sa buong bansa upang maibaba ang gastos sa pagtatanim, mapalakas ang seguridad sa pagkain at maging moderno ang sistema ng irigasyon sa bansa.

Ayon kay Executive Secretary Ralph Recto, sa kasalukuyan ay mayroong mahigit 4,000 Solar-Powered Pump Irrigation Program (SPIP) na pinangangasiwaan ng National Irrigation Administration (NIA) at target na umabot ito ng 10,000 sa gagawing expansion ng ahensiya pagsapit ng 2030.

Ayon kay Recto, mahigpit ang bilin ng Pangulo na tiyaking may maaasahang patubig ang mga magsasaka ng hindi nauubos ang kanilang kita sa gastos sa patubig.

Inaasahang makikinabang aniya ang dalawang milyong magsasaka sa Solar-Powered Pump Irrigation Program.

Ang solar-powered irrigation systems ay gumagamit ng renewable energy para mag-operate ng water pumps, at mabawasan ang pagiging dependent ng mga magsasaka sa diesel na mataas ang presyo at dagdag gastos sa kanilang pagtatanim. (Aileen Taliping)