Hiniling ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga magulang na bantayang mabuti ang kanilang mga anak upang masiguro ang kaligtasan at makaiwas sa karahasan.
Kasunod ito ng mga insidente ng karahasan na nangyari sa Tacloban City, Zamboanga City at South Cotabato kung saan may mga estudyanteng nasawi at nasugatan.
Sa kanyang pagbisita sa isang paaralan sa Santiago City, Isabela, sinabi ng Pangulo na mahalagang mabantayan ang mga kabataan upang hindi maimpluwensiyahan ng pananakit at karahasan.
Katuwang aniya ang mga guro at pulis, mahalagang mabantayan ang mga kabataan at maging alerto kung mayroong hindi magandang nararamdaman o naliligalig ang mga ito.
Sinabi ng Pangulo na mas mainam na nalalaman kaagad kung may nararamdaman ang mga anak, tulad ng depression, masyadong galit at iba pa upang maagapan ang mga hindi inaasahang problema. (Aileen Taliping)


