WebClick Tracer

PAGASA pinayuhan ang publiko na iwasang mag-hoard ng bottled water

PAGASA Weather Specialist nagbabala laban sa pag-hoard ng bottled water sa gitna ng banta ng El Niño sa bansa.

Pinayuhan ng PAGASA ang publiko na iwasan ang pagho-hoard ng bottled water sa gitna ng banta ng super El Niño.

“Definitely, water conservation ‘yung isa sa mga kailangan gawin. ‘Wag tayo mag-hoard. Maling gawain ‘yan dahil makakaapekto ‘yan sa general supply natin,” ani PAGASA Weather Specialist Dan Villamil sa panayam sa DZBB nitong Linggo.

Nauna nang sinabi ng PAGASA na posibleng tumagal hanggang Marso o Hunyo 2027 ang El Niño. Inaasahang nasa 40 probinsya ang makararanas ng mas kaunting pag-ulan sa panahon ng tagtuyot, na posibleng umabot sa 80 probinsya pagsapit ng Enero.

Sinabi ng PAGASA na kabilang sa mga paghahandang maaaring gawin ng sektor ng agrikultura sa gitna ng matagal na tagtuyot ang pagtatanim ng mga pananim na hindi gaanong nakadepende sa tubig.

Ayon sa Department of Trade and Industry (DTI), nananatiling sapat ang suplay ng bottled water at walang pangangailangang mag-hoard.

Paiigtingin din umano ng ahensya ang price monitoring at patuloy na makikipag-ugnayan sa mga manufacturer at distributor upang matiyak ang tuloy-tuloy na suplay.

Mino-monitor din ng DTI ang mga reklamo hinggil sa umano’y overpricing ng plastic drums, water containers at iba pang kaugnay na produkto. (AC)