WebClick Tracer

NCAP solusyon dapat sa trapiko, hindi dagdag-pahirap sa motorista – Rep. Gutierrez

Iginiit ni 1-Rider party-list Rep. Rodge Gutierrez na hindi dapat dagdag na pasakit ang No Contact Apprehension Policy (NCAP) sa mga motorista at sa halip ay gamitin ito para maresolba ang problema sa trapiko.

Ginawa ng mambabatas ang pahayag dahil simula bukas, Lunes, October 5, ay ipagpapatuloy na ang NAPC kung saan mga mahuhuling lumabas sa trapiko ay papatawan ng multa ng hanggang P10,000.

“Ang NCAP ay dapat maging katulong sa paglutas ng problema sa trapiko, hindi dagdag na pasakit sa mga motorista at riders na naghahanapbuhay,” ayon sa mambabatas.

Lahat ng mahuhuling motoristang hindi huminto a red light o ang tinawag na “beating a red light” sa pamamagitan ng camera na nakapuwesto sa iba’t ibang lugar sa Metro ay pagmumultahin ng P1,000 hanggang P5,000.

Umaabot naman sa P2,000 hanggang P10,000 at pagsuspendi sa lisensya ang multa at parusa sa reckless driving; P200 hanggang P2,000 sa ‘disregarding traffic sign/lane violations; P1,000 hanggang P2,000 sa illegal parking; P3,000 sa nagmamaneho na walang lisensya at P10,000 kapag hindi rehistrado ang minamanehong sasakyan.

“Naninindigan kami na hindi dapat maparusahan ang mga motorista dahil sa mga pangyayaring hindi nila kontrolado. Traffic enforcement must distinguish clear violations from situations arising from poor road conditions, unclear or missing signage, defective infrastructure, sudden lane changes by other vehicles, or other circumstances beyond a motorist’s reasonable control,” ani Gutierrez.

“A camera-based system cannot be allowed to operate as an automatic penalty machine without accountability for these realities,” dagdag pa ng mambabatas.

Dahil dito, tutukan aniya nito ang implementasyon ng NCAP upang maproteksyunan ang mga motorista na posibleng mapatawan ng multa sa kasalanang hindi nila kontrolado lalo na sa kasalukuyang kalagayan ng mga kalsada ngayon sa Metro Manila. (Bernard Taguinod)