Ibinahagi ni Mariel Padilla nitong Sabado ang larawan ng kanyang asawang si Senador Robin Padilla kasama si Davao City Mayor Baste Duterte.
Ayon kay Mariel, nakita niya ang chemistry ng dalawa.
“👊🏼 hanggang sa dulo Today na witness ko ang chemistry ng dalawa 🫡 #brothers,” caption ni Mariel sa post.
Inurot naman ng ilang netizen na maaaring maging magkatandem ang dalawa sa 2028 presidential elections, lalo na kung tuluyang ma-impeach si Vice President Sara Duterte.
Gayunman, nauna nang iginiit ni Padilla na hindi na siya tatakbo sa anumang posisyon sa 2028 elections, habang nagpaplanong lumipat sa isang Islamic country kasama ang kanyang pamilya. (AC)
https://www.facebook.com/share/p/1Djnrp9YLE/


