WebClick Tracer

Marian Rivera mas naging espesyal ang gabi dahil kay Dingdong

Mas naging espesyal ang gabi para sa aktres na si Marian Rivera nang dumalo siya sa isang charity gala kasama ang kanyang asawang si Dingdong Dantes.

Ibinahagi ni Marian ang ilang sweet photos nila ni Dingdong matapos dumalo sa Red Charity Gala Night kamakailan.

Sa kanyang caption, sinabi ng aktres na naging mas memorable ang gabi dahil kasama niya ang kanyang “Dada.”

“A beautiful night for a beautiful cause. ❤️✨ Red Charity Gala Night with @avignonclinic family, and even more special with my Dada by my side,” saad ni Marian.

Samantala, umani naman ng kilig ang sweet photos ng mag-asawa na muling ipinakita ang kanilang pagiging supportive sa isa’t isa.

“Dongyan forever my Ultimate idol,” komento ng isang follower. (IS)