Kinuyog ng mga netizen ang isang magdyowa matapos umanong mahuli ng may-ari ng isang P199 samgyupsal buffet restaurant habang nagpupuslit ng pagkain sa kanilang dalang plastic bag.
Batay sa post ng netizen na si @PaddyPOV, nangyari ang insidente sa Cusina de Cavite, na nag-aalok ng unlimited samgyupsal buffet sa halagang P199.
Ayon sa post, napansin umano ng may-ari na may kakaibang ginagawa ang dalawang kostumer kaya agad niya itong sinita.
“Binabalot nila. P199 lang sir ‘yung kakainin ninyo huwag ninyo na pong i-bag… ito po naka-plastic po… panglalamang po ‘yung ginagawa ninyo sa amin. Sana kung hindi n’yo kayang ubusin, huwag n’yo pong kukunin,” saad ng may-ari.
Dahil dito, umani ng batikos mula sa mga netizen ang ginawa ng mga naturang kostumer.
Giit ng ilan, ang P199 na bayad ay para sa unlimited dining experience at hindi unlimited takeout.
Samantala, binigyang-diin umano ng may-ari na maliit lamang ang kanilang negosyo at sinisikap nilang mag-alok ng abot-kayang buffet para sa kanilang mga customer.
Dahil dito, nakakalungkot umano para sa kanila na may ilang kostumer pa ring nagsasamantala sa kanilang P199 unlimited buffet.
Narito ang reaksiyon ng ilang netizens:
“Buti they were caught. Mabait pa ang owner sa lagay na eto.”
“P199 buffet is already a steal. Eat all you want, sure—but turning it into takeout is a different story.”
“Juskoooo! Di na nahiya! Nakakahiya!” (IS)
The owner noticed something wasn’t right and caught them allegedly putting the food in plastic bags. ₱199 lang yung buffet, mga beh. BAKIT KAILANGAN NIYONG GAWIN ‘TO? 😭 Gets ko na pagkain lang ‘yan pero walang justification yan. You paid ₱199 to eat as much as you want THERE at hindi para mag-takeout ng pagkain at iuwi.
And as the owner (Cusina de Cavite) pointed out, maliit na business lang din sila and they’re already trying to be fair with the ₱199 price despite offering unlimited food. Mag jowa pa nga 😭
— @PaddyPOV (@PaddyPOV) October 3, 2026


