Suspendido ang klase sa mga pampublikong paaralan sa Laguna sa Lunes, Oktubre 5.
Ayon kay Laguna Mayor Sol Aragones, ang suspensyon ay “teachers’ day off” bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Teachers Month.
“Mga anak teachers’ day off bukas sa public school (Oct 5, 2026) sa Laguna… bilang bahagi ito ng National Teachers Month,” ani Aragones sa isang social media post.
Ipinaubaya naman sa pamunuan ang desisyon hinggil sa suspensyon ng klase sa mga pribadong paaralan. (AC)


