Isa na namang pagkilala sa matagumpay na karera ni Kathryn Bernardo ang pagkakabilang niya sa mga pinarangalan sa Golden Screen Awards: Dekada Awards 2026.
Kinilala ang aktres para sa kanyang Best Actress recognition para sa pelikulang “The Hows of Us” noong 2018.
Tampok sa pelikula ang emosyonal na kuwento ng pag-ibig, mga pangarap at pagsubok sa isang relasyon, kung saan ipinakita ni Kathryn ang kanyang husay sa pagganap at kakayahang makuha ang emosyon ng mga manonood.
Habang ipinagdiriwang ang panibagong pagkilala kay Kathryn, muling napag-usapan ang kanyang pangalan kasabay ng pagpunta sa Japan ni Lucena Mayor Mark Alcala.
Nag-post si Mayor Mark ng mga larawan mula sa Tokyo kasama ang kanyang ama na si Vice Mayor Roderick “Dondon” Alcala at ilang city councilor para sa kanilang pag-aaral tungkol sa disaster risk reduction, emergency response at public safety sa Japan.
Dahil kilala rin si Kathryn na mahilig bumiyahe sa Japan, hindi naiwasang magtanong ng ilang netizen kung posible bang magkrus ang landas ng aktres at ng alkalde habang nasa Tokyo.
Dahil kilala ring mahilig bumiyahe sa Japan si Kathryn, hindi naiwasang mang-usisa ang mga netizen kung may pagkakataong magkita ang dalawa.
Gayunman, wala pang kumpirmasyon na nagkita o magkasama sa Tokyo sina Kathryn at Mayor Mark.


