WebClick Tracer

Joshua Garcia eksperto sa pagpapaligaya kay Julia Barretto

Doon tayo sa malinaw! ‘Yan nga ang paninindigan nina Joshua Garcia at Julia Barretto pagdating sa relasyon at situationship.

Sa panayam kina Joshua at Julia sa ‘Paano Ba ‘To?’ ni Bianca Gonzalez, nagbigay ang dalawa ng kanilang love advice para sa mga taong nasa isang relasyon na hindi malinaw kung ano ang status.

“When you’re growing up, I think it’s important to meet someone who knows what their intentions are. It has to be clear from the get-go,” sabi ni Julia.

“Mahalaga sa akin ‘yung oras. Ayoko rin ‘yung sinasayang mo ‘yung oras mo sa akin and the same way na ayaw kong sinasayang ko ‘yung oras ko. Kaya kung tinanong kung ‘ano ba tayo?’ dapat masasagot ko,” sabi naman ni Joshua.

Ayan, mga ka-JoshLia, always check the label, ha!

Samantala, lumabas din sa interview kung gaano na kakilala ng dalawa ang isa’t isa matapos ang mga taon nilang pagsasama bilang magka-love team.

Ikinuwento ni Julia na mabilis mapansin ni Joshua kung ano ang kanyang mood at alam din nito kung paano siya pasayahin.

“Josh always knows how I’m feeling. He knows the right time and the right thing to say to crack me up. He does bring out the child in me,” chika ni Julia.

“I know your buttons na rin. Alam ko kung paano i-weigh ‘yung sarili ko ‘pag kausap ka,” sagot naman ni Joshua.

Bukod sa kanilang closeness, ibinahagi rin ng JoshLia ang kanilang karanasan sa paggawa ng pelikula nilang ‘Always Yours, Never Mine’. Na ayon kay Julia, halos araw-araw silang nasusorpresa sa mga eksenang hinihingi sa kanila ng kanilang mga karakter.

“Every day to us is a surprise. We don’t know what’s gonna happen on set and what the character is gonna ask of us. I have a feeling it’s more mature compared sa ‘Unhappy For You,’” lahad pa ni Julia.

Dagdag naman ni Joshua, mas kumpleto ang kuwento ng bagong pelikula dahil iba’t ibang timeline ang ipinakita at masusundan ng mga manonood ang journey ng kanilang mga karakter mula pagkabata hanggang sa pagtanda.

Aba, mukhang mas mature at mas malalim ang bagong atake ng JoshLia, ha!

Bongga! (Dondon Sermino)