WebClick Tracer

Jericho Rosales bumata sa pagmamahal ni Janine Gutierrez

Sumabak ang real-life na magdyowa na sina Jericho Rosales at Janine Gutierrez sa ‘Pingpong question’ na ipinost ng Star Creatives kamakailan.

Ang ganap nga ay magbabatuhan ng mga tanong ang dalawa sa isa’t isa. At sobrang cute nga dahil kitang-kita kung gaano nila kilala ang isa’t isa, ha!

Nakikipag-unahan pa nga si Jericho dahil alam na niya agad ang isasagot ni Janine.

Sa tanong kay Janine na ‘What is something you can’t leave home without?’ ay si Jericho na agad ang sumagot ng ‘tubig’.

Mapapa-aww ka na lang talaga sa sweet moments ng EchoNine, dahil nang tanungin ni Janine si Jericho kung saan siya pinaka-nagpapasalamat ngayon, ay mabilis niyang sagot na ‘You’.

“You bring a lot of good vibes, caring for me and helping me always,” dugtong na sagot pa ni Jericho.

Umabot sa social media ang kilig na dala ng EchoNine dahil ramdam talaga pati ng netizens ang genuineness ng dalawa.

“Downbad ang Echo kay Janine.”

“Bagay na bagay talaga sila, nakatagpo na rin sa wakas si Echo na para sa kanya.”

“Bumata ang look ni Jericho dahil sa pagmamahal ni Janine.”

“Ang lakas maka-good vibes ng relasyon nila, at bet kong ma-in love muli.”

Well, tutukan din sina Jericho at Janine sa muling pagsubok sa pag-ibig, tiwala, at katapatan sa ‘The Loyalty Game: Level Up’ na mapapanood na sa primetime, simula October 5 sa Kapamilya Online Live.

Bongga! (Dondon Sermino)