Magdadala ang trough ng Typhoon Choi-Wan ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao nitong Linggo, Oktubre 4.
Ayon sa 4 a.m. forecast ng PAGASA, makaaapekto ang trough ng bagyo sa Mindanao, Western Visayas, Negros Island Region, Central Visayas at Southern Leyte.
Inaasahang makararanas naman ang Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa ng bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan, na may isolated rain showers o thunderstorms dahil sa localized thunderstorms.
Nagbabala ang PAGASA sa posibleng flash floods o landslide sa mga lugar na makararanas ng matinding pag-ulan.
Nitong alas-3 ng umaga, huling namataan ang Typhoon Choi-Wan sa layong 2,595 kilometro silangan ng Extreme Northern Luzon. Taglay nito ang lakas ng hangin na 155 km/h at pagbugsong hanggang 190 km/h habang kumikilos pahilaga hilagang-silangan sa bilis na 15 km/h. (AC)


