WebClick Tracer

Gatchalian sa mga nakakatulog sa impeachment trial: ‘Kung inaantok sila, huwag na lang pumunta’

Pinayuhan ni Senate President at senator-judge Sherwin Gatchalian ang ilan sa mga nakakatulog sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte na huwag nang pumunta sa korte at matulog na lang sa kanilang mga bahay.

Ayon kay Gatchalian, kung inaantok lang din ang mga ito, mas mainam na huwag nang pumunta sa impeachment trial at sa halip ay manatili na lang sa kani-kanilang mga bahay at panoorin na lang ang paglilitis sa telebisyon.

“Kung inaantok sila, huwag na sila pumunta. Pwede naman matulog sa bahay tapos manood ng TV. Kasi nga, hindi naman maganda na pumupunta ka sa impeachment court tapos natutulog ka doon. Hindi maganda naman yun,” sabi ni Gatchalian sa panayam sa DZBB nitong Linggo.

“So, kung mayroong mga inaantok, pwede naman silang manood na lang sa bahay para hindi rin masabihan sa loob ng korte,” dagdag pa niya.

Noong nagdaang linggo, nag-viral sa social media si Manila 6th District Rep. Benny Abante matapos maispatang natutulog sa kasagsagan ng paglilitis – hindi lang isa kundi dalawang beses pa.

Pag-amin pa niya, nakatulog siya dahil inantok siya sa mga malamyang tanong ng depensa sa testigo ng prosekusyon. (Dindo Matining)