Is this your final answer? Ang sama-samang tanong ng mga faney, netizen kay Dennis Trillo, dahil sa latest pakiusap niya sa mga followers niya.
“Salamat po sa lahat ng aming mga tagapagtanggol. Na-appreciate namin lahat `yun. Spread love na po ulit,” sabi kasi ni Dennis sa kanyang Thread account.
At `yun nga, may nagtatanong, final answer na ba `yon? Na hindi na siya mati-trigger kapag may mga sumawsaw pa o nag-comment sa isyu nila ni Patrick Garcia?
“Spread love na po ulit? Is this your final answer?” paninigurado pa ng iba.
Anyway, parang mas bet nga ng mga faney ang attitude ni Dennis na todo depensa tanggol sa misis niyang si Jennylyn Mercado, at siyempre kay Alex Jazz.
“Hindi pa ako maka-move on sa kanila, pati kay Gelli De Belen! So, tuloy ang laban!”
“Naku huwag tayong titigil sa ‘ano ang bag mo’. Suportado ka namin Dennis.”
“Naku, hindi pa kami tapos. Warm up pa lang ito. Lahat ng kakampi kay Patrick at sa pamillya nila, tatapatan namin.”
“Depende pa ‘yan kung wala pa kaming mabubunot na bago, ha!”
“Basta Dennis ipagtatanggol ka namin at pamilya mo. Kami ang bahala sa Garcia family.”
“Hi Dennis, I admire how you stand up and protect your wife, kids and whole family.”
“Thank you for setting boundaries for people who disturb and want to destroy the peace your family have.”
“Spread love sa mga taong wala namang pagmamahal? No way!”
“Si Dennis talaga ang husband ng taon!”
Well, iba talaga ang mga netizen ngayon. Sila talaga ang lalaban para sa mga sa tingin nila ay tama!
Bongga! (Dondon Sermino)


