Tila time-out muna sa mga patutsada niya kay Patrick Garcia ang aktor na si Dennis Trillo.
Sa kanyang Facebook post nitong Sunday, October 4, isang larawan ng payapa at masayang bonding ng pamilya ang ibinahagi ng tinaguriang “Drama King”.
Sa gitna ng kontrobersiyang kinasasangkutan niya ngayon, pinatunayan ng aktor na ang oras para sa pamilya ang pinakamahalaga sa pamamagitan ng simpleng “Sunday is Family day” post niya kasama ang misis na si Jennylyn Mercado at kanilang mga anak habang kumakain ng ramen.
Makikita sa naturang post ang maaliwalas na mukha ni Dennis at ang ngiti ni Jennylyn kasama ang kanilang mga anak na sina Alex Jazz, Dylan Jayde at Calix.
“Sunday is Family day,” inilagay na caption ni Dennis, na may kasamang mga hashtag na #ramen at #familyislove.
Nilagyan niya rin ito ng “feeling peaceful.” (Issa Santiago)


