WebClick Tracer

Dennis, John Lloyd, Kris, Jake, Ray pasok: Dolphy, Vic Sotto pinuri sa pagiging mga tatay na may ‘ang bag’

Kaloka ang mga meme na naglalabasan ngayon, ha!

Dahil sa interview na `yon ni Patrick Garcia, heto at nakaisip ng kung ano-anong pagkakaalliwan ang mga netizen, na inaprubahan naman ng mga faney, ha!

Yes, sa mga naglabasang meme ngayon, bidang-bida nga sina Dennis Trillo, Kris Lawrence, John Lloyd Cruz, Jake Ejercito, at isama pa raw si Ray Parks, Jr.

Aprub na aprub nga si Zeinab Harake sa line up na ito ng mga lalaking may ‘ang bag’. Sabi nga ni Zeinab, ‘mga tunay na lalaki’.

Siyempre, todo kantiyaw ang mga netizen kay Patrick, na hindi nga raw makaka-relate sa mga lalaking nabanggit, ha!

Ang witty nga raw nang nakaisip na gawan ng tribute ang mga nabanggit na barako.

Sila nga raw ang mga the good dads, o the good samariDads.

Pero siyempre, sumisigaw rin ang mensahe ng mga ibang netizen, na kung ‘ang bag’ lang ang pag-uusapan sina Vic Sotto, Dolphy nga raw talaga ang pinaka may karapatan sa lahat, ha!

Imagine, si Dolphy nga raw, kahit matagal nang patay, heto at nakakatulong pa rin sa kanyang mga anak, at pati na rin sa mga apo, ha!

At si Vic, nakita niyo naman daw ang mga anak nito, na lahat ay maayos ang buhay, na napaghandaan talaga ni Bossing ang kinabukasan ng mga ito, ha!

Kaloka! Kung ano-ano na ang nangyari, at kung sino-sino na ang nadamay sa isyung ito, ha!

Pero, in fairness, sa lahat ng mga eksena, ganap sa isyung ito, ang tungkol sa mga nabanggit ang nakakapagbigay ng saya sa lahat.

Bongga! (Dondon Sermino)