Damay-damay na sa kontrobersiya na nagsimula kay Patrick Garcia versus Jennylyn Mercado, na pinalagan ng mister ng aktres na si Dennis Trillo.
Hindi lang si Gelli de Belen, ang binabakbakan ngayon ng mga netizen kaugnay sa pagsawsaw nito sa isyu, na tila nagtatanggol kay Patrick.
Maging si Anne Curtis ay nadamay na rin sa isyu.
Nahalukay ang relasyon noon nina Jennylyn at Luis Manzano at si Anne ang itinuturong “di pabor” sa nasabing pagmamahalan.
May naging testimonya pa si Luis sa kanilang vlog ng misis nyang si Jessy Mendiola tungkol sa isyu na may kuwento pa sya na ilang buwan silang di nag-usap ni Anne na kanyang bestfriend dahil sa babaeng dini-date raw nya.
Wala namang kumpirmasyon sa pagkakakilanlan ng babaeng ayaw na ayaw ni Anne para kay Luis, pero pinapangalanan ng marami na si Jennylyn ito.
Sa Threads kabilaan ang banat kay Anne sa isyu. Sinasabi pang magkaibigan raw umano noon sina Anne at ang kapatid ni Patrick na si Cheska Garcia.
“Anne Curtis nyong performative. Circle of friends pa lang nyan alam mo na masama ang ugali nyan.”
“Jennylyn Mercado yan..Anne Curtis and Cheska are long-time friends..”
“I can buy you, your friends and this club, hahaha”
“Kaya siguro hindi nakiki ride ang It’s Showtime sa trend ng Patrick issue now kasi ayaw nlang maungkat?…hahaha knowing Showtime parang laging nakikiride yan sa trending topic online. Now tahimik cla.”
May nag-comment pa na ikansel ang negosyo ni Anne.
“Okey cancel BLK”.
May ilang nagtanggol kay Anne.
“Wag nyong ibaling sa iba ang hate, focus kayo kay Patrick at sa family nya.”
Pero lumalabas sa lumang clip ng talk show ni Kris Aquino kung saan guest sina Anne, Luis at Nikki Gil, ibinibida nila ang pagpapadala ni Jennylyn ng cupcakes sa kanilang lahat.
Komento pa nga ni Luis, pag nagpapadala raw si Jennylyn, meron rin si Anne.
Naikuwento ni Anne na nagkita sila ni Jennylyn sa labas ng studio sa Ignacia at nag-“hi” sa isa’t-isa.
Ibig sabihin “okey” sina Anne at si Jennylyn noong naging magdyowa sina Luis at ang nasabing Kamuning actress. (Rey Pumaloy)


