Ibang klase talaga si Alden Richards. Na kahit ang dami-rami niyang ganap sa buhay, hindi pa rin niya kinakalimutan ang pagsuporta sa mga taong malapit sa puso niya.
Yes, very grateful nga si Bianca Umali, pati na sina Julia Barretto, Joshua Garcia, dahil sa pinakitang suporta ni Alden sa pelikula nilang ‘Always Yours. Never Mine’. Imagine, nagpa-private screening nga si Alden para kina Joshua, Julia, at siyempre kay Bianca na rin, at pati na kay Direk Cathy Garcia Sampana.
Ikaw na nga lang ang mahihiya sa pagiging mabuting tao ni Alden, na kahit hindi naman niya ganun ka-close, o `yung tipong hindi naman niya araw-araw nakakasama, may oras talaga siyang magparamdam ng pagmamahal, suporta.
Kaya naman ang mga faney, puring-puri na naman si Alden.
“Always support sa Philippine cinemas. Salute to you Alden.”
“Soafer supportive talaga `yan.”
“Sana matuloy na rin ang movie nina Julia at Alden, ha! Bagay rin sila.”
“Ang sarap siguro panoorin na Alden, Julia, Joshua, ha!”
“Alden and Julia next movie please.”
“Please ituloy niyo na ang Alden at Julia movie.”
Pero ang pinaka-bonggang hirit ng mga faney ay Julia-Alden, at sana rin daw ay magsama naman sina Joshua at Kathryn Bernardo bilang mag-partner.
Kaloka, ha! Imagine, JulDen at KathJosh.
Bongga, di ba? (Dondon Sermino)


