Pasok sa grand finals si Carlos Eusoya ng University of the Philippines (UP) Manila matapos magwagi sa huling semifinals ng “Bilyonaryo Quiz B: College Edition Season 2” ng Bilyonaryo News Channel.
Hinarap ni Eusoya sina Edric Ato ng De La Salle University at Justin Rigos ng UP Diliman sa semifinals.
Sa Opening Round, parehong nakapagtala ng P6,000 sina Eusoya at Ato, habang walang puntos si Rigos.
Napanatili naman ni Eusoya ang pangunguna sa Knockout Round at nagkamit ng P12,000, kasunod si Rigos na may P9,000 at Ato na may P6,000.
Sa Bilyonaryo Bonus Round, sinubok ang kaalaman ni Eusoya sa mga linya mula sa mga akda ni William Shakespeare sa kategoryang “Fill in the Bard.”
Apat lamang sa 10 tanong ang nasagot nang tama.
Sa huli, inuwi ni Eusoya ang kabuuang P28,000.
Panoorin ang banggaan nina Eusoya, Ato at Rigos sa October 3 episode ng “Bilyonaryo Quiz B: College Edition Season 2” ng Bilyonaryo News Channel.
Mapapanood ang programa tuwing Sabado, alas-7 ng gabi, sa Free TV Ch. 31, Cignal Ch. 24, Samsung TV Plus, TCL Smart TVs, Blast TV, AmasianTV, Cignal Play, BNC YouTube at Facebook. (AC)


