Nagretiro na si Sonia Malaluan, ang administrator ng Maritime Industry Authority (Marina), epektibo Oktubre 1, 2026.
Ipinabatid ito ni Malaluan sa liham na may petsang Setyembre 18, para kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa pamamagitan ni Executive Secretary Ralph Recto.
“It has been an immense honor to serve under your leadership, Mr. President. I would like to express my deepest gratitude for giving me such rare opportunity. My appointment as Administrator of Marina is indeed a good culmination of my almost 37 years of public service,” aniya sa kanyang liham.
Ang retirement ni Malaluan ay ginawa sa gitna ng pinakahuling maritime disaster, ang pagkasunog ng M/V June Aster sa Coron, Palawan noong Setyembre 9, na ikinamatay ng 77 katao.
Iniluklok naman bilang OIC ng Marina ang Deputy Administrator for Operations na si Retired Rear Admiral Loumer Palapal Bernabe.
Si Bernabe ay nagsilbi ng 30 taon sa military bago nagretiro sa Philippine Navy noong 2021.
Noong Abril 2026 naman siya itinalaga ni Pangulong Marcos bilang Deputy Administrator ng Marina.


