WebClick Tracer

Ombudsman naghahanda ng bagong kaso laban kina Eric Yap, Edvic Yap

Inihahanda na ang bagong kaso laban kina Rep. Eric Yap at dating ACT-CIS party-list Rep. Edvic Yap, ayon kay Ombudsman Jesus Crispin Remulla nitong Sabado.

“Ang unang kasong finile namin sa kanila, La Union. Pero ngayon meron nang bago, ‘yung nangyayari mismo sa Benguet… nangyari na, nangyayari pa rin,” ani Remulla sa kanyang programa sa radyo.

Mayroon aniya silang testigo kaugnay nito.

“Nagfa-fact finding na diyan, ‘yung mga testigo nasa ‘kin nung isang araw,” dagdag niya.

Noong Setyembre, sinabi ni Assistant Ombudsman Mico Clavano na naisumite na for resolution ang reklamong conflict of interest laban sa magkapatid na Yap.

Bago nito, naglabas ang Sandiganbayan ng precautionary hold departure order laban sa dalawa noong Marso. (AC)