WebClick Tracer

MMDA: Ilang kalsada sa Valenzuela, Quezon City nakakaranas ng pagbaha

MMDA advisory graphic showing suspended classes in eight Metro Manila areas due to heavy habagat rains

Baha na sa ilang kalsada sa Valenzuela City at Quezon City kasunod ng pag-ulan nitong Sabado ng gabi, Oktubre 3, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Ayon sa MMDA, as of alas-8:25 ng gabi, umabot sa 13 hanggang 15 pulgada ang tubig sa Val. Sped at Flying V sa Malinta, dahilan upang hindi madaanan ng lahat ng uri ng sasakyan.

Nasa half knee level naman ang lalim ng baha sa Pio Val sa Marulas, KFC Marulas, Jeepney Market sa Karuhatan at Toyota Dalandanan, ngunit nananatiling madaraanan ng lahat ng uri ng sasakyan.

Samantala, gutter-deep o nasa 8 pulgada ang baha sa Shell Dalandanan at A. Marcelo Dalandanan, na maaari pa ring daanan ng mga sasakyan.

Sa Quezon City, naiulat ang 8-pulgadang baha sa outermost lane ng EDSA Balintawak, na passable pa rin sa lahat ng uri ng sasakyan. (AC)