WebClick Tracer

Imbestigasyon sa reklamasyon sa Laguna Lake tuloy-tuloy – Ombudsman Remulla

Tuloy-tuloy ang imbestigasyon sa reklamasyon sa Laguna Lake, ayon kay Ombudsman Jesus Crispin Remulla nitong Sabado, Oktubre 3.

“Tuloy-tuloy ang aming investigation sa reclamation sa Laguna Lake… hindi humihinto,” ani Remulla sa kanyang programa sa radyo.

“May nakuha kaming video, pinadala sa’min ni Senator Ping [Lacson],” dagdag niya.

Nauna nang iniulat ni Lacson na umabot sa 170 ektarya ang umano’y unauthorized encroachment sa bahagi ng Laguna Lake sa Taguig City.

Batay sa datos mula sa Philippine Reclamation Authority (PRA), sinabi ni Lacson na sakop umano ito ng hindi bababa sa 13 titulo.

Patuloy namang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang mga alegasyon kaugnay ng reklamasyon at mga kaugnay na proyekto sa lugar. (AC)